Home NATIONWIDE KADIWA ng Pangulo Expo 2024: Pagbubukas ng oportunidad sa merkado aarangkada na

KADIWA ng Pangulo Expo 2024: Pagbubukas ng oportunidad sa merkado aarangkada na

MANILA, Philippines – AARANGKADA na ngayong Martes, Nobyembre 26 ang pintuan para sa tatlong araw na KADIWA ng Pangulo Expo 2024 sa Philippine International Convention Center at bibigyang-diin ang mga natamo sa flagship initiative ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapalakas sa kita ng mga magsasaka at mangingisda at mabigyan ang mga mamimili ng magandang kalidad subalit abot-kayang presyo ng mga pagkain.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) itatampok sa KNP Expo ang mahigit 100 farmer exhibitors at ipapakita ang “Bigger, Better, More” Kadiwa models, kabilang na ang KADIWA food hubs, centers, tindahan, model trucks, carts, at ang KADIWA app– bawat isa ay dinisenyo para maging simple ang paghahatid ng mga sariwang ani mula sa taniman hanggang sa pamilihan. Tampok din sa aktibidad ang live na cooking demo sa pamamagitan ng KUSINA ng KADIWA, at direktang ugnayan sa merkado na may matagal ng mga buyer, at agribusiness investment forums.

“Ang KNP ay bahagi ng adhikain ni Pangulong Marcos para sa matatag na seguridad sa pagkain sa ilalim ng Masaganang Bagong Pilipinas– kung saan dapat bawat pamilyang Pilipino ay mayroong pagkain sa kanilang hapag at magkaroon ng disenteng kita ang mga magsasaka at mangingisda mula sa kanilang pagtatrabaho,” ani Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr.

Kaugnay nito, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Genevieve Guevarra na siyang pinuno ng KNP program, ang expo ay bukas sa publiko mula November 26-28.

“Nais naming makita ng ating mga kababayan kung ano na ang mga nagawa ng KADIWA ng Pangulo Program, partikular ang resulta ng kolaborasyon sa pagitan ng gobyerno, magsasaka, mangingisda at pribadong stakeholders upang makamit ang pangako ni PBBM na seguridad sa pagkain sa Pilipinas, at magpapatuloy ang pagtatrabaho upang makagawa ng mga makabagong paraan para matupad ang pangarap,” ani Asec. Guevarra.

Ang DA ay kumikilos na para sa KNP sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Enployment, Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government, Department of Social Welfare and Development, Presidenial Communications Office art Presidential Management Staff. Santi Celario