Home METRO Kagawad sa Tiaong malapitang tinadtad ng bala

Kagawad sa Tiaong malapitang tinadtad ng bala

QUEZON – Malapitang binaril ang isang barangay kagawad sa gilid ng kalsada sa Tiaong.

Kinilala ang biktima na si Ricky Galangga, 44-anyos, kagawad sa Barangay Cabay, kung saan nangyari ang krimen.

Sa kuha ng CCTV camera sa lugar, nakaupo lang sa bisikleta ang biktima sa gilid ng daan ng lapitan ng suspek saka pinaputukan ng baril.

Kahit na nakabulagta na ang biktima ay pinagbabaril pa rin ito ng suspek.

Tumakas ang salarin sakay ng naghihintay na motorsiklo.

Ayon kay Police Lieutenant Marlon Cabatana, hepe ng Tiaong Police Station, posibleng nasa apat hanggang lima ang tama ng bala ng biktima.

Isa sa tatlong suspek ang nadakip sa follow-up operation at natunton ang motorsiklo na ginamit sa krimen. RNT