Home ENTERTAINMENT Kaila Estrada, na-scam!

Kaila Estrada, na-scam!

189
0

Manila, Philippines- Sa kanyang X social media account, ibinahagi ni Kaila Estrada na nabudol siya kamakailan.

Aniya, na-scam daw siya sa pamamagitan ng pagsagot ng telepono sa isang unknown caller na hindi rehistrado sa kanyang contacts.

Tweet niya: “I just got scammed. People out there can be very convincing these days, so don’t answer calls from unknown numbers. Stay safe, guys!”

Hindi naman niya idinetalye kung paano o saan siya na-scam.

May mga naka-relate naman sa kanyang karanasan na nabiktima rin ng iba’t-ibang klaseng modus ng pambubudol.

May mga netizens din na pinag-iingat siya lalo na’t talamak na ang iba’t-ibang klase ng panloloko sa digital age.

Si Kaila ay kasama sa cast ng seryeng “Can’t Buy Me Love” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.4

Napansin din ang galing niya sa series na “Linlang”. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here