ALAM ba ninyong may isang Bosing sa gobyerno na kailangang dumaan ang lahat ng proyekto sa kanyang kamay bago maaprubahan ang isang proyekto at pondo para rito?
Dati-rati, kapag may aprubado nang proyekto, bahala na ang may panukalang proyekto na sumubaybay rito, kasama ang paggamit ng karampatang pondo.
Everybody happy dahil may sariling proyekto at pondo naman si Bosing na karaniwang mas malaman at masabaw kumpara sa mga mas mababa sa kanya na opisyal.
Heto pa ang ikinasasama ng loob at labas ng iba, lalo na ang kanyang mga kaalyado.
Maging silang mga kaalyado, kailangan ding dumaan ang lahat ng kanilang proyekto at pondo kay Bosing.
Sa ibang salita, walang alya-alyado kapag bukolan sa perang bayan ang pinag-uusapan.
Masahol pa sa lagareng hapon ang gawa ni Bosing.
At ang pinakamasahol, nasa 30 porsyento umano ngayon ng buong badyet ng kanyang lungsod ang ayuda para kay Bosing at mga tauhan niya at hindi sa taumbayan.
Hulaan na lang ninyo kung sino si Bosing.