Home NATIONWIDE Kakulangan ng mga nars patuloy na tinutugunan ng PH gov’t

Kakulangan ng mga nars patuloy na tinutugunan ng PH gov’t

MANIA, Philippines- Patuloy na naghahanap ng mas maraming clinical care associates (CCA) sa bansa ang gobyerno ng Pilipinas para tugunan ang pangangailanan ng mas maraming nurse, ayon sa Private Sector Advisory Council-Healthcare Sector Group (PSAC-HSG).

Sinabi ito ng grupo sa kanilang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr nitong Miyerkules upang talakayin ang updates sa rekomendasyon para sa pagtatatag ng isang matatag na healthcare system.

Ayon kay PSAC Healthcare Sector Lead Paolo Borromeo, ang unang batch ng 457 CCAs ay nagtugma sa pitong mataas na educational institutions para sa board reviews. Aniya pa, ang requirement ay nagpapatuloy para sa ikalawang batch ng CCA para sa May 2025 board examinations.

Binanggit din ni Borromeo na ipinakita sa rekord ang pagtaas ng nursing board passers simula 2022 kumpara sa pre-pandemic years dahil sa recalibrated curriculum.

Idinagdag pa na ang Enhanced Master’s Degree in Nursing Program ay inaprubahan para sa roll-out na may pilot implementation sa 17 HEIs sa Agosto ng taong ito.

Ito ay karagdagan sa kasalukuyang inter-agency collaboration sa ilang programa tulad ng bilateral labor agreements, Balik-Nurse Program at Technical Education and Skills Development Authority-Commission on Higher Education Credit Transfer. Jocelyn Tabangcura-Domenden