Home NATIONWIDE Kalagayan ni Pope Francis, bumuti na

Kalagayan ni Pope Francis, bumuti na

VATICAN CITY – Iniulat ng Vatican ang panibagong bahagyang pagbuti sa kondisyon ni Pope Francis sa kanyang ika-pitong araw na pamamalagi sa ospital para gamutin ang kanyang pneumonia.

In-admit sa Rome Gemelli hospital si Pope Francis dahil sa bronchitis ngunit kalaunan ay nagkaroon ng pneumonia sa parehong ‘baga’ na ikinaalarma ang pagkalat nito.

Noong Miyerkules, may kaparehong mensahe din ang Vatican nang sabihin na ang kanyang blood test ay nagpapakita rin ng “slight improvement.”

Sinabi ni Cardinal Matteo Maria Zuppi, ang head ng bishops conference sa Italy na ang Papa ay nasa tamang kondisyon.

“The fact that the pope had breakfast, read the newspapers, received people, means that we are on the right path to a full recovery, which we hope will happen soon,” sabi ni Zuppi.

Ayon naman sa source ng Vatican, sa kabila ng iniinda ng Papa ay sinusubukan pa rin niyang magtrabaho, magbasa at pumirma ng dokumento, magsulat, magsalita sa mga kasamahan at nakasubaybay sa mga balita.

Lahat ng appointment ng Papa ay kinansela kabilang ang kanyang Saturday audience at Sunday mass sa St. Peter’s Basilica. Jocelyn Tabangcura-Domenden