ISABELA, Philippines – Nakikipaglaban pa rin kay kamatayan ang isang 44-anyos na lalaki matapos umanongĀ paulit-ulit na pagtatagain ng palakol habang siya ay mahimbing na natutulog ng 32 anyos na mister sa Brgy. Santa Isabela Norte, Lungsod ng Ilagan, Isabela.
Dakong alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang insidente nang pasukin ng selosong suspek
sa bahay ng biktima at agad itong inatake gamit ang palakol.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Rescue 1124 at isinugod ang biktima sa pagamutan kung saan patuloy pa rin siyang inoobserbahan dahil sa mga tinamong sugat sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Ayon sa pulisya, sinabi umano ng Napag-alaman ng suspek na nagkaroon ng relasyon ang biktima at ang kanyang asawa, na umano’y nauwi sa pagbubuntis nito.
Matagal na din umanong sinusubaybayan ng suspek at biktima.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong frustrated murder laban sa suspek na pansamantala nasa kustodiya ng pulisya. (REY VELASCO)