Home NATIONWIDE Kamara, binati si Alex Eala sa pagkapanalo sa WTA Tour title

Kamara, binati si Alex Eala sa pagkapanalo sa WTA Tour title

1
0

MANILA, Philippines – Binati ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III si tennis star Alex Eala sa pagkapanalo nito sa kauna-unahang WTA Tour title at sinabing ang tagumpay na ito ay bunga ng mga taon ng sakripisyo na nagbigay ng dangal at kagalakan sa milyun-milyong Pilipino.

Sa isang social media post, pinuri ni Dy si Eala sa pagiging kauna-unahang Pilipina na nagwagi ng WTA Tour singles title at tinawag itong isang mahalagang milestone, hindi lamang para sa Philippine tennis kundi para sa buong bansa.

“Ang sarap ng pakiramdam na makita kang manalo, Alex,” ani Speaker Dy.

“Years of sweat and sacrifice resulted in history, the first Filipina to win a WTA title. Nakakatuwang isipin na ang pinaghirapan ng isang Pilipina ay nakapagpasaya sa milyun-milyong Pilipino,” dagdag pa nito.

Ayon sa Speaker, ang tagumpay ni Eala ay repleksyon ng determinasyon, disiplina, at dedikasyon sa kahusayan, na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga kabataang Pilipino na abutin ang kanilang mga pangarap sa kabila ng mga pagsubok.

“Congratulations on your first WTA title. You make every Filipino proud every time you step on the court. Maraming salamat,” giit pa nito.

Maging si Lanao del Sur Rep. at House prosecution panel spokesperson Zia Alonto Adiong ay nagpaabot din ng kanyang pagbati kay Eala.

“Congratulations to Alex Eala on your remarkable victory at the Mubadala Citi DC Open! Your determination, talent, and grit continue to inspire millions of Filipinos. Thank you for proudly carrying the Philippine flag on the world stage. Here’s to even greater milestones ahead!” nakasaad sa X post ni Alonto Adiong.

Sa Mubadala Citi DC Open sa Washington, tinalo ni Eala ang Olympic champion na si Qinwen Zheng, defending champion Leylah Fernandez, second seed Elina Svitolina, at apat na beses na Grand Slam champion na si Naomi Osaka patungo sa finals.

Sa huling yugto ng paligsahan, pinataob ni Eala ang World No. 3 at top seed na si Jessica Pegula sa iskor na 4-6, 6-4, 6-0 upang masungkit ang kanyang maiden WTA Tour singles title. Ang nasabing tagumpay ay inaasahang mag-aangat sa 21-anyos na Pilipina sa kanyang career-high na World No. 20 sa WTA rankings. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here