MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Kamara ang resolusyon na humihiling sa Senado na payagan na mag-extend ng sesyon hanggang Oktubre 12, 2026 para sa approval ng proposed 2027 national budget sa ikatlo at huling pagbasa.
Ang House Resolution 1501 ay inihain nina House Speaker Faustino Dy III, Majority Leader Sandro Marcos, Minority Leader Marcelino Libanan, at House Appropriations Committee Chair Mikaela Suansing.
Nauna nang sinabi ni Suansing na nakatakdang aprubahan ng Kamara ang proposed 2027 national budget sa ikalawang pagbasa bukas, Oktubre 7.
Target ng Kamara na maaprubahan ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa sa Oktubre 9, o huling araw ng sesyon.
Sa kabila nito, kung ang panukala ay maaprubahan sa ikalawang pagbasa sa Oktubre 7, ang kopya ng panukala ay kailangang ipadala sa lahat ng miyembro ng Kamara tatlong araw bago ang ikatlong pagbasa.
Ito ay tatapat ng Oktubre 12.
Ang resolusyon ay binasa sa plenaryo nitong Lunes ng hapon.
Matapos maaprubahan, ipapasa ng Kamara ang resolusyon sa Senado. RNT/JGC