Home NATIONWIDE VP Sara umaasa, NBI maghahain ng reklamong perjury vs Gracioso sa maling...

VP Sara umaasa, NBI maghahain ng reklamong perjury vs Gracioso sa maling paratang

2
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Vice President Sara Duterte na inaasahan nitong maghahain ng reklamong perjury ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr. matapos makumpleto ng ahensya ang imbestigasyon nito at matukoy na ang mga alegasyon laban sa kanya ay hindi totoo.

Sa pahayag, kinumpirma ni Duterte na natanggap ng kanyang opisina ang kopya ng affidavit ni Gracioso mula sa NBI kasama ang identification documents nang walang ibang attachments.

Ani Duterte, may nabilang siyang 29 statement mula sa affidavit na naniniwala siyang hindi totoo.

“Among several other pieces of my evidence, Jefry Tupas and I were nowhere near Marinduque during Mahal na Araw in 2019, nor were we in Manila on September 21, 2019,” aniya.

“NBI Director Melvin Matibag noted that a perjury case may be possible if the allegations are proven false. We expect a case to be filed by the NBI against Gracioso once the agency completes its investigation and the evidence is fully evaluated,” dagdag pa ni Duterte.

Si Gracioso, na bahagi ng security detail ni dating House Speaker Lord Allan Velasco, ay nagsabing naghatid siya ng male-maletang cash kay VP Sara, dating Pangulong Rodrigo Duterte, at Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte sa utos ni Velasco.

Tinatayang nasa mahigit P2 bilyon umano ang kabuuang naideliver na cash kay VP Sara.

Iniimbestigahan na ng NBI ang paratang ni Gracioso.

Iimbitahan naman ng NBI si VP Sara, Pulong Duterte, Velasco, at asawa ni Velasco para magkomento sa umano’y cash delivery ni Gracioso.

Sa kabila nito, sinabi ni Duterte na hindi niya kilala si Gracioso at hindi ito nakatanggap ng anumang pera mula sa kanya.

Tinawag din ng kampo ni Velasco ang mga alegasyon na walang basehan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here