Home NATIONWIDE Kanseladong flights ngayong Huwebes sa bagyong Khanun

Kanseladong flights ngayong Huwebes sa bagyong Khanun

MANILA, Philippines – Kanselado ang nasa anim na flights mula Manila patungong Incheon, South Korea dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Khanun.

Ayon sa Manila International Airport Authority nitong Huwebes, Agosto 10, ang mga kanseladong flights ay ang mga sumusunod:

• Cebu Pacific (5J) 186/185, 5J 188/189 Manila-Incheon-Manila

• AirAsia PH (Z2) 884/885 Manila-Incheon-Manila

Kasalukuyang nananalasa ang bagyong Khanun sa South Korea at inaasahang tatawirin ang buong bansa mula timog pa-hilaga. RNT/JGC