KAHAPON inalala ang Universal Declaration of Human Rights na idineklara ng United Nations noong Disyembre 10, 1948.
Pumirma ang Pilipinas dito at simula noon, sumang-ayon din ito sa sa iba’t ibang kasunduan o tratado sa para sa iba’t iba’t larangan na dapat pairalin ang human rights o karapatang pantao.
Ngunit itinatag lamang ang karapatang pantao sa Konstitusyong 1987 bilang pagkilala sa kahalagahan nito sa bansa.
Mula pa noong 1948, kanya-kanya na ang pagkilala sa karapatang pantao kaya nga mayroong hindi pumirma rito.
Mismong sa oras ng botohan noong 1948 para sa deklarasyong ito, 48 ang bumoto habang 10 ang nag-abstain o tuwirang tumutol.
Ganito rin ang nagaganap sa Pilipinas.
May kanya-kanyang pagtingin sa karapatang pantao.
Sa 50,000 nang namatay sa rebelyong komunista simula noong 1968, kanya-kanya ang pag-claim ng human rights sa panig ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New People’s Army at Government of the Republic of the Philippines.
May pinapatay at ibinibilanggo ang mga komunista at may pinapatay at ibinibilanggo ang pamahalaan.
Kanino mamamayani ang prinsipyo ng human rights dito, lalo na sa bahagi ng mga sibilyan na pinagpapatay at ibinibilanggo ng CPP-NDF-NPA at ng mga pwersa ng pamahalaan?
Maging sa drug war na natampok sa ilalim gobyerno ni dating Pangulong Digong Duterte.
May kanya-kanya ring claim sa human rights.
Habang nagke-claim ng human rights ang mga drug war victim umano ng Duterte administration, nagke-claim din ang mga biktima ng halos 2 milyong adik, 300,000 nabilanggong adik-tulak, druglord, narco-politician at narco-cops
Pare-parehong may pinagpapatay ang mga sundalo at pulis at mga adik, druglord, narco-politician at narco-cops.
Hindi naman mabilang sa daliri ang mga ni-rape, ni-rape saka pinatay, ninakawan, hinoldap, inakyat-bahay, sinaktan at iba pa ng mga adik, tulak, druglord, narco-politician at narco-cops.
Sino-sino nga ba ang mga dapat na pagkalooban ng proteksyon sa usaping humang rights?