MANILA, Philippines – Tuluyan nang inilipat ng National Bureua of Investigation sa Senado ang kapatid ni suspendes Mayor Alice Guo kasama ang kasabwat nito sa pagtatayo ng Philippin3 Offshore Gaming Organization (POGO) sa Bamban, Tarlac.
Sa pahayag ni Atty Arnel Banas, spokesperson ng Senado na inilipat sa kustodiya ng Mataas na Kapulungan dina Sheila Guo at Cassandra Li Ong.
Nahaharap ang dalawa sa contempt citation ng Senado matapos balewalain ang subpoena sa isinasagawang imbestigasyon ng Senate committee on women sa pamumuno ni Senador Risa Hontiveros.
Ayon kay Banas, nagbuo ang Senate Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA) ng isang security team na magbabantay sa dalawa 24/7.
Ihaharap sina Guo at Ong sa pagpapatuloy ng imbestigasyon laban sa POGO sa mga susunod na araw.
Kapwa nakakulong ang dalawa sa ipinagawang kuwarto na babantayan ng ilang Senate police.
“The Senate Medical and Dental team has examined Guo to ensure her physical and mental health, ” ayon kay Banas.
Magbibigay ng pahayag ang Senado sa susunod na araw hinggil sa dalawa, ayon pa kay Banas. Ernie Reyes