Home ENTERTAINMENT Kapatid ni Dom, nag-deny sa cryptic post!

Kapatid ni Dom, nag-deny sa cryptic post!

Manila, Philippines – Todo tanggi.

Ito ang naging stand ni Lhean, kapatid ni Dominic Roque, patungkol sa kanyang cryptic post nitong nakaraan.

Lhean took to his Instagram Stories his flat denial.

Naintriga kasi ang mga netizens sa ipinost ni Lhean following the reported breakup between Bea Alonzo and his brother.

The day before his post made the rounds of social media ay kinumpirma ni Boy Abunda sa Fast Talk that the couple broke up.

Nauna munang nagkaroon ng cryptic post ang road manager ni Bea na si Nina Ferrer tungkol sa isang “manipulative sad boi” na hinihinalang si Dominic ang pinatutungkulan.

Sinundan ito ng post ni Lhean na may kasamang larawan ng isang tupa na nakapatong sa isang lobo.

“Wolf in sheep’s clothing” was Lhean’s post.

Agad kumalat ang mga ispekulasyon na para kay Bea ang naturang post, bagay na marling itinanggi ni Lhean.

Aniya, it wasn’t about Bea or anyone close to her.

“Work-related” daw ‘yon.

Naging ugali na raw niyang mag-post ng random stuff “and no one bats an eye.”

Hindi rin daw inasahan ni Lhean na ang naturang post would be taken out of context.

Sa bandang huli, sinabi ni Lhean na huling beses na raw siyang magpo-post ng may kaugnayan sa breakup ng kapatid at nobya nito. Ronnie Carrasco III

Previous articleFirst shooting day ni Kathryn, pinag-uusapan na!
Next articlePokwang, nagbigay ng chance sa pagpapahiram sa anak kay Lee!