MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Region 1 ng pagtaas sa kaso ng leptospirosis sa rehiyon.
Sa ulat ng Center for Health Development, umabot sa 145 ang kaso ng leptospirosis at mayroong 24 na nasawi mula rito hanggang noong Setyembre 28, 2024.
Naitala sa Pangasinan ang pinakamaraming kaso sa 52, sinundan ng La Union sa 47, Dagupan City sa 19, Ilocos Sur sa 14, at Ilocos Norte sa 13.
“Actually, lahat naman ng ating mga probinsya sa ating Region nagkaroon ng exposure sa tubig ulan at sa pagbaha kaya ‘yung mga cases natin ng leptospirosis, nakitaan natin ng pagtaas,” pahayag ni Dr. Rheuel Bobis, spokesperson ng CHD Region 1.
Sa 24 nasawi naman sa leptospirosis, ang mga ito ay nagmula sa Pangasinan, Dagupan City, at La Union na may tig-pito habang dalawa sa Ilocos Sur at isa sa Ilocos Norte. RNT/JGC