Home ENTERTAINMENT KathDen fans, ‘hopia’ na makitang magkasama ang mga idolo, nabigo!

KathDen fans, ‘hopia’ na makitang magkasama ang mga idolo, nabigo!

Manila, Philippines – Could it be possible na ang no-show ni Kathryn Bernardo sa awarding ng isang publication ay dahil ang isa sa mga sponsor ng event ay kalaban ng bankong ine-endorse ng aktres?

Si Alden Richards na awardee rin ang sumipot lang sa event.

Asang-asa pa naman daw ang mga KathDen fans to see their idols na muling magkasama.

Madali rin naman kasing ipaliwanag ang presensya ni Alden sa event, as he happens to be the endorser of the bank na isa sa mga event sponsors.

In Kathryn’s absence ay ipinadala naman niya ang kanyang ina, si Mommy Min.

The showbiz mom gamely posed with the KathDen fans.

Samantala, babawi na lang daw ang mga KathDen fans who are looking forward to their idols’ presence at the Bench fashion show on March 21.

Pareho kasing endorser ng naturang brand sina Kathryn at Alden.

Reding-ready nang rumampa si Alden na nakapag-photo shoot na.

Whereas si Kathryn ay hindi pa–na sana’y hindi maging dahilan ng ‘di na naman nito pagsipot sa isang mahalagang event.

“Hopia” ang mga fans ng aktres na makitang mag-i-stand out ito sa Bench Body of Work. Ronnie Carrasco IIi