Home ENTERTAINMENT Kathryn, nakipag-date sa isang pulitiko?

Kathryn, nakipag-date sa isang pulitiko?

Manila, Philippines – May mga nagtsika na diumanoý nag-uusap na raw si Kathryn Bernardo at ang ex nitong si Daniel Padilla.

May ilan namang itinaas ang ante ng tsismak na nagsabing nagkabalikan na raw ang mag-ex bagama’t may mga pinasisinungalingan ito.

Tweet naman ng isang birdie, kung nag-uusap man daw ang dalawa, it’s a possible collaboration for a KathNiel project pero wala raw namang balikang naganap.

Sa kabila ng mga espekulasyong ito, lumutang pa ang isang anggulo na nagli-link kay Kathryn sa isang pulitiko na dati nang natsismis sa kanya.

Ayon sa mga matatabil ang dila na mga tsismosa, hindi raw totoong walang lovelife ngayon ang Asia’s Superstar.

Katunayan, noong Valentine’s day daw ay ang mayor from the South na isang eligible bachelor ang ka-date ng aktres.

Iyon daw paglutang ng pagbabalikan ng KathNiel ay isa lang tactic para iligaw ang mga tao sa totoong isyu tungkol sa lovelife ni Kathryn.

Ito ay kahit nagpahayag ang ina ni Kath na si Mommy Min na huwag basta basta maniwala sa fake news.

Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers sa nasabing rumor.

“If true ang rumor, downgrade si accla sa pagpili ng future juwa.”

“Bago na naman? Saka parang kelan lang sinabi na binasted na tong mayor na to tapos biglang dating na??”

“Same hearsays that my friends working in ABS and their creative unit know, Kathryn and Mayor Alcala going on dates the last few weeks or months. Not sure about relationship status though.”

“In fairness kay mayor upgrade sa pagpili ng juwa from C-lister to A-lister. Si Kathryn naman downgrade from A-lister to clout chaser hahaha.”

Bukas naman ang pahinang ito sa panig ni Kathryn tungkol sa latest chikka. Archie Liao