Home METRO Kelot hinigop ng ilog, dedbol

Kelot hinigop ng ilog, dedbol

88
0

ILOCOS SUR—Kamatayan ang sinapit ng isang 31-anyos na lalaki matapos malunod sa Bakun River sa Brgy. Anaao, Alilem ng lalawigang ito nitong Lunes ng gabi, Abril 27.

Ayon sa Alilem Municipal Police Station, ang biktima ay residente ng naturang lugar.

Nagpunta ang biktima at dalawang iba pa sa Bakun River para manghuli ng isda.

Habang nasa ilog ang tatlo ay bigla umanong dumayb ang biktima.

Makaraang mapansin ng dalawang kasama nito na hindi pa lumilitaw ang biktima at wala rin silang makitang liwanag ng ilaw mula sa kanya, agad na silang sumisid para hanapin ang kanilang kasama.

Nang mahanap nila, agad nilang dinala ang biktima sa tabi ng ilog at agad na humingi ng saklolo.

Ang biktima ay isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa Tagudin, Ilocos Sur ng mga rumespondeng RHU personnel.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng attending doktor.

Nabatid na nakainom ng alak ang biktima nang mangyari ang insidente. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here