Home METRO Kelot inilabas si ‘manoy’ kalaboso!

Kelot inilabas si ‘manoy’ kalaboso!

CEBU CITY- Kalaboso ang kinasadlakan ng isang kelot matapos ireklamo ng ama ng 13-anyos na dalagita makaraang ipakita umano ng una ang kanyang ari sa huli, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Inayawan Police Station ang 28-anyos na suspek na itinago sa alyas Manoy, at residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng pulisya, bago ang insidente ay kararating galing Maynila ang ama ng 13-anyos na dalagita dahilan para imbitahan nito ang suspek sa kanilang bahay para mag-inuman na inabot na umagang inuman.

Sa kalasingan ng ama ng biktima, nakatulog ito na siya naman sinamantala ng suspek para hawakan sa maselang bahagi ng katawan ang biktima at inilabas ang ari nito.

Kwento ng biktima, tinakot siya ng suspek at sinabing huwag itong magsumbong kanino man.

Subalit, naglakas-loob ang biktima na magsumbong sa kanyang ina hanggang sa nakarating ito sa kanyang ama na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong acts of lasciviousness in relation to RA 7610 ang suspek. Mary Anne Sapico