BUTUAN CITY-NAUDLOT ang libido ng isang lalaki matapos ireklamo ng babae habang nagmamasturbate ito sa kanyang harapan, iniulat kahapon, Disyembre 9 sa Cabadbaran City.
Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Cabadbaran City Police Station, ang suspek na kinilala sa pangalan Rene, 36, at residente ng Barangay Tolosa, ng naturang lungsod.
Ayon sa pulisya, personal na nagtungo sa kanilang himpilan ang biktima na itinago pangalan Mariz, nasa hustong gulang, para ireklamo ang suspek.
Sinabi ni Mariz, bigla na lamang humarap sa kanya ang suspek at hinawakan ang ari nito nagmasturbate.
Depensa ng suspek ipinasok hinawakan lamang niya ang kanyang ari dahil nangati ito.
Inihanda na ang kasong isasampa laban sa suspek. Mary Anne Sapico