Ito ang naging mensahe ni Senator Francis Tolentino sa mga alkalde ng iba’t-ibang lungsod at munisipalidad gayundin sa mga gobernador na ginawaran ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Martes ng umaga sa Tent City, Manila Hotel.
Sinabi ni Sen. Tolentino ang kanyang mensahe makaraang maimbitahan ito bilang panauhing tagapagsalitang Department of Interior and Local Government (DILG) sa paggawad ng Seal of Good Local Governance (SGLG) sa mga alkalde ng iba’t-ibang lungsod at munisipalidad at maging ng mga gobernador na nagmula pa sa Region 13 o ang Caraga Administrative Region, Region 1 o Ilocos Region, at Region 4-A o Calabarzon.
“This recognition is more than just a symbol of success it is a testament to your dedication, integrity and ability to inspire meaningful change you have demonstrated that good governance is not really a goal but a way of serving on people with transparency, accountability, and a relentless pursuit of progress,” pahayag ni Tolentino sa kanyang maikling talumpati.
Ayon pa kay Tolentino, ang parangal na iginawad sa mga pinuno ng lokal na pamahalaan ang nagsisilbing moog ng buong bansa para makamit ang kaunlaran dahil kapag ang mga bayan, lungsod, at lalawigan ay nagsumikap, kasamang nagsusumikap ang buong bansa.
Samantala, sa talumpati naman ni DILG Secretary Jonvic Remulla ay ibinahagi nito na ang kanilang pamilya at pamilya ni Sen. Tolentino ay matagal na naging magkakumpetensiya sa politika mula 1963 hanggang 2016 king saan nagsimula pa aniya iti sa kanyang amang si Johnny at ama ni Sen. Tolentino na si Abraham, Sr.
Sa paglipas aniya ng panahon, namulat sila sa bagong estilo ng pamamalakad dahil noong taong 1985, hinangaan niya si Sen. Tolentino na noon ay alkalde ng Tagaytay nang gawin niyang premier tourist destination ang lungsod kaya marami siyang natutunan dito na ginaya niya ng maging gobernador ng Cavite.
“Good governance should unite us all it should not divide us, politics divide us, but good governance should put us all together. Nagkasundo ang Cavite because of good governance,” sabi pa ni Remulla. RNT