MANILA, Philippines – Patay ang isang 57-anyos na lalaki matapos makuryente habang nasa loob ng binahang shop nito sa Naga City, Camarines Sur nitong Linggo ng gabi, Setyembre 1.
Iniulat ng Naga City police na nakuryente sa loob ng shop nito si “Juancho” sa Barangay Concepcion Pequeña bandang 8:20 ng gabi.
Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang patay.
Ayon kay Mayor Nelson Legacion, agad na pinutol ang suplay ng kuryente sa lungsod matapos ang insidente.
Matatandaan na nalubog sa malalim na baha ang maraming lugar sa Camarines Sur dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Enteng. RNT/JGC