Home NATIONWIDE Kemikal sa mga usong laruan tuwing tag-init ibinabala

Kemikal sa mga usong laruan tuwing tag-init ibinabala

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pag-aalala ang toxic watchdog sa kaligtasan ng ilang mga sikat na laruan na karaniwang ginagamit sa panahon ng summer season, tulad ng trumpo, sipa at jackstone, na binabanggit ang mga potensyal na panganib sa kalusugan sa mga bata.

Sa pagsusuri ng grupong BAN Toxic sa mga laruang ito, natuklasan na ang napinturahang turumpo na gawa sa kahoy ay walang tingga, gayunpaman ang kanilang matutulis na mga pako at mahabang mga tali ay nagdudulot ng panganib sa kaligtasan.

Ang mga jackstone mula sa colored plastic na may rubber ball ay walang mga nakalalason na kemikal ngunit natukoy na mga choking hazards na maaaring malunok ng mga bata.

Ayon pa sa BAN toxic, ang sipa na gawa mula sa isang hard metal washer na may mga plastic string ay nalaman na mayroon itong mataas na antas ng tingga na may mga konsentrasyon na umaabot sa 100,000 bahagi per million.

Wala sa mga laruang ito ang mayroong kinakailangang impormasyon sa label, isang direktang paglabag sa Toy and Game Safety Labeling Act of 2013.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang lead ay isang kilalang nakakalason na may malaking epekto sa kalusugan, partikular na nakakaapekto sa neurological, cardiovascular, gastrointestinal, at hematological system lalo na sa mga bata na vulnerable sa nakakalasong kemikal.

Binigyan-diin ni Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics, ang pangangailangan para sa mga tradisyunal na laruan na ito na sumunod sa mga regulasyonng pangkaligtasan.

“Toys like turumpo, sipa, and jackstone should set an example of being toxic-free and hazard-free, compliant with health and safety regulations, considering their long-standing popularity among children. Manufacturers must ensure that these toys are not only enjoyable but also safe for children.”

Hinimok din ni Dizon ang Department of Trade and Industry upang ipatupad ang mga batas sa labeling, magsagawa ng mga inspeksyon, kumpiskahin ang mga produktong hindi sumusunod at magpataw ng mga parusa sa mga lalabag.

Ayon pa sa BAN Toxic, makikipag-ugnayan ang BAN Toxics sa Food and Drug Administration at Department of Trade and Industry para isulong ang pagrepaso sa RA 10620’s Implementing Rules and Regulations at upang ganap na ipatupad ang batas, tinitiyak ang proteksyon at pagsulong ng mga karapatan ng mga bata sa kalusugan at kaligtasan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleSchool-based associations pinuri ng PSC
Next articleJustin Brownlee lalaro sa pro league ng Indonesia