ALICIA, Isabela – Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang isang wanted person sa kasong pagpatay o murder matapos mahulihan ng pinaniwalaang shabu sa isinagawang warrant of arrest ng pulisya sa Purok 1, Brgy. Rizaluna, Alicia, Isabela.
Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na tugusin ang mga nagkasala sa batas o wanted person kung saan ay naaresto si alyas “Toto,” 22 anyos, may asawa, at residente ng syudad ng Cauayan.
Sa bisa ng Warrant of Arrest na may petsang Hulyo 14, 2026, kaugnay ng kasong Murder sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code ay walang inirekomendang piyansa.
Sa isinagawang lawful search sa katawan ng akusado sa kasagsagan ng operasyon, nakumpiska mula sa kanyang direktang pag-iingat at kontrol ang isang (1) heat-sealed medium-sized transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Manhunt Charlie Tracker Team ng Cauayan City Component Police Station sa pakikipag-ugnayan sa Alicia Municipal Police Station, kasama ang mga tauhan ng PIDMU-IPPO, PIU-IPPO, RMU2, at 2nd IPMFC.
Pansamantala nasa kustodiya ng Cauayan CCPS ang nasabing nasabing suspek habang inihahanda ang kanyang turnover sa korte na naglabas ng warrant at ang kaukulang kaso para sa paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165. REY VELASCO