Manila, Philippines- Ipapalabas na ang first movie together nina Kim Chiu at Paulo Avelino, ang “My Love Will Make You Disappear” directed by Chad Vidanes under Star Cinema.
Ngayon pa lang ay excited na ang KimPau fans na makita ang mga ginagawa nilang effort para makatulobg sa promo ng “My Love Will Make You Disappear” na ipapalabas na on March 26.
Sabi ni Kim sa interbyu sa kanya ni MJ Felipe sa Star Patrol segment ng TV Patrol, “Ngayon ko lang na-experience itong massive support na parang, wala pa kaming poster reveal, may ginawa na silang poster sa likod ng tricycle, sa sari-sari stores, namimigay ng mga photocards.
“‘Yung binibigay nilang support is something different, we’re very lucky na meron kaming ganu’ng klaseng support.”
Sa interbyu ni MJ kay Kim ay nai-share ng other half ng KimPau na nagpa-consult pala siya sa isang Feng Shui expert para alamin ang kanyang kapalaram this year.
Ayon kay Kim, “Okay naman. Napa-Feng Shui ko na, okay naman daw yung dragon at horse, sana magtuloy-tuloy.”
Ang “dragon” na tinutukoy ni Kim ay si Paulo na ipinanganak under the Year of the Dragon. Habang si Kim naman ay year of the horse.
Ang resulta, compatible raw daw ang “dragon” at “horse” this year.
For sure, kinilig ang KimPau fans. Julie Bonifacio