Home NATIONWIDE Kompanya na illegal na nag-aalok ng trabaho sa US, ikinandado ng DMW

Kompanya na illegal na nag-aalok ng trabaho sa US, ikinandado ng DMW

MANILA, Philippines – Ipinadlock ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Biyernes, Marso 14 ang isang kumpanya sa Mabalacat, Pampanga na umano’y nagsasagawa ng illegal recruitment ng aircraft mechanics sa United States.

Sa isang pahayag, sinabi ni Migrant Workers Secretary hans Leo Cacdac, ipinag-utos ang pagsasara ng Aerostrstegies Inc, matapos umanong manloko ang hindi lisensyadong kumpanya ng mga jobseekers para sa trabaho sa Texas na may buwanang sahod na $3,344 o katumbas ng P193,500.

Sinabi ng DMW na ang recruitment agency ay natuklasang may mga paglabag kabilang ang illegal recruitment, misrepresentation at pag-ooperate gamit ang mapanlinlang na bussiness address.

Samantala, ang mga pangunahing opisyal ng kumpanya ay blacklisted mula sa anumang overseas recruitment activities habang inirekomenda ng DMW ang pagkansela sa bussiness permit ng kumpanya sa Mabalacat City at Securities and Exchange Commission (SEC) registration. Jocelyn Tabangcura-Domenden