VATICAN – Dumaan sa isa pang ”tahimik na gabi” sa ospital sa Roma si Pope Francis kung saan siya ay nakikipaglaban sa double pneumonia sa loob ng isang buwan, sinabi ng Vatican nitong Biyernes, Marso 14.
Bamagat wala na siya sa kritikal na kondisyon, ang 88-anyos na pontiff ay tumatanggap pa rin ng respiratory assistance sa pamamagitan ng nasal cannula sa maghapon at oxygen mask sa gabi.
Sinabi ng Vatican na si Francis ay may physiotheraphy noong Huwebes gayundin ang patuloy na paggamot sa Gemelli Hospital.
Maglalabas naman ang Vatican press office ng iba pang medical bulletin ngunit maaaring huminto sa pagpapadala ng daily morning update.
Sa ngayon, pinag-uusapan kung kailan siya makakauwi ngunit ang kanyang pamamalagi sa ospital na nagsimula noong Pebrero 14 ay nagdulot ng pagdududa tungkol sa kanyang kakayahang pamunuan ang halos 1.4 bilyong Katoliko sa mundo. Jocelyn Tabangcura-Domenden