Home OPINION KONGRESO PAPASUKIN NI ‘ROBOCOP’ PARA SA PASAYEÑOS

KONGRESO PAPASUKIN NI ‘ROBOCOP’ PARA SA PASAYEÑOS

SINO ba si RoboCop?

Hindi, marahil pamilyar sa mga bata o kasalukuyang henerasyon, pero sa ‘old timers’ o ‘golden agers’ na kung tawagin, tiyak ‘ hindi makatatakas sa kanilang alaala kung sino itong ating ibinibida.

Ang Robocop ay kwentong isinapelikula hinggil sa ‘robot na pulis’ o “alagad ng batas” na kaaway ng mga sumasalaula sa batas subali’t tagapagtanggol ng mga  inaapi.

Unang natunghayan world-wide noong 1987 at dahil tinangkilik ng mga manonood, nasundan ng RoboCop 2 movie noong 1990 at RoboCop 3 noong 1993 hanggang nagkaroon ng RoboCop Series sa telebisyon.

Dahil sa kadakilaan ng ‘Robot Cop’ ay naging template o panipat ito sa pagbibigay ng Robocop awards para sa mga pulis na ala-robocop kung magtrabaho.

Sa isang banda ay may idinulot na maganda ang Robocop movies at TV series dahil naging inspirasyon ito ng ilang  pulis sa pagsasakatuparan ng kanilang mandato.

Gaya ni Onie Bayona, dating pulis ng  ang training ay mula sa Special Action Group kung saan siya recruit noong 1993 at nang matapos ang kanyang kontratang limang taon sa SAF at natalaga sa Pasay City kung saan nagtrabaho siya nang puspusan hanggang ilang beses nakamit ang “RoboCop” Award sahil na rin sa hindi matatawarang pagganap sa kanyang tungkulin.

Kilala sa tawag na drugbuster, nasungkit ni Bayona ang naturang pagkilala matapos maitala ang pambihirang 300 pushers na inaresto single-handedly.

Pumasok sa serbisyo noong 1993 na nagtagal lang hanggang 2001, napilitang lisanin ni Bayona ang maningning na police career kapalit ng serbisyo para sa mga kababayan.

Siya’y iniluklok ng dalawang beses sa konseho – simula  2004 hanggang 2010 na naging mabunga dahil sa mga inakdang ordinansa na tinatamasa ngayon ng Pasayeños.

Isa rito ay Ordinance 3980 na naglalayong pag-aaralin sa pinapatakbong paaralan ng Pasay na libre ang mga anak – mula elementarya hanggang kolehiyo ng mga Kapitan, Kagawad, tanod at lupon na masasawi  o mababalda ‘in line of duty.’

Siya rin ang may akda ng Ordinance 4411 – na nagbabawal ng demolisyon sa Pasay kung walang makataong relokasyon sa mga residente at marami pang ibang pro-poor na ordinansa.

Hindi magkakasya ang espasyo ng Chokepoint kung isa-isahin natin ang achievement ni Bayona bilang dating pulis at two-term councilor ng lungsod.

Mula sa kaaya-ayang paninilbihan sa pulisya ng Pasay at Pasay city council, papasukin ni Robocop ang kongreso para doon ipagpatuloy ang paglilingkod sa mga Pasayeño.