Home NATIONWIDE Koordinasyon kontra gas emission pinalakas ng MARINA

Koordinasyon kontra gas emission pinalakas ng MARINA

1
0

MANILA, Philippines – Nagsanib pwersa ang private at public sector para mabawasan ang  greenhouse gas emissions mula sa shipping industry.

Pinangunahan ng MARINA ang unang National Task Force Coordination Meeting para sa Sustainable Maritime Transport Cooperation–Greenhouse Gas o SMART-C GHG Project noong Agosto 20.

Napili ang Pilipinas bilang isa sa mga benepisyaryo ng proyekto sa ilalim ng Integrated Technical Cooperation Program ng International Maritime Organization na pinondohan ng Republic of Korea.

Sa pulong, tinalakay ang Needs Assessment Report at pagbuo ng Philippine Maritime GHG Data Collection Framework na gagamitin sa pagpapatupad ng proyekto.

Lumahok dito ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, akademya at pribadong sektor ng maritime industry bilang bahagi ng whole-of-government approach sa pagbabawas ng greenhouse gas emissions mula sa mga barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here