Home ENTERTAINMENT Kris, hiniwalayan ng nobyo!

Kris, hiniwalayan ng nobyo!

Manila, Philippines- Mahaba. Revealing. Malungkot.

Ganito maaaring ilarawan ang latest post ni Kris Aquino sa Instagram.

“The doctor that I loved left me,” panimula ni Kris.

Bagama’t wala siyang binanggit na pangalan, obyus na ang tinutukoy ng Queen of All Media ay ang trauma surgeon na si Dr. Mike Padlan.

Pahayag ni Kris, mas pinili raw ng kanyang nobyo na bumiyahe sa halip na tutukan ang kanyang kalagayan lalo pa’t “my autoimmune diseases have very few treatment options.”

Hindi malinaw kung kailan nakipagkalas si Padlan sa kanya.

Matatandaang mismong ang anak ni Kris–sa vlog interview ni Ogie Diaz na bumiyahe pa sa Orange County sa Los Angeles, USA noong isang taon–ang nagbisto sa ina na may bago na itong pag-ibig.

Bago si Dr. Padlan ay nakarelasyon muna ni Kris si Batangas Vice Governor Marc Leviste, na ngayo’y may bago na ring pag-ibig sa katauhan ni Aira Lopez.

Hindi rin nangiming inamin ni Kris na kahit noong time nila ni Dr. Padlan ay tumatanggap ito ng kaukulang professional fees sa kanyang panggagamot.

Inamin noon ni Kris na kaya niya pinili ang resident doctor ng Makati Medical Center ay dahil kabisado na nito ang sakit na pinagdaraanan.

Si Dr. Padlan ang kasamang umuwi ni Kris mula sa US noong September 2024.

As we often say: some good things never last.

Cheer up, Kris, naniniwala kami na may karapat-dapat na taong nakalaan para sa iyo! Ronnie Carrasco III