Manila, Philippines – Nag-react na si Miguel Padlan, 23, patungkol sa naging rebelasyon ni Kris Aquino in her lengthy Instagram post last March 16 kaugnay ng sinapit ng pakikipagrelasyon nito sa kanyang ama.
Si Miguel ay isa sa apat na anak ni Dr. Mike Padlan, ang trauma doctor na ayon kay Kris ay ang nobyong nakipagkalas sa kanya.
In her post, hindi pinangalanan ni Kris ang dating nobyo pero tukoy na tukoy ito.
“He never loved me,” confession ni Kris.
Binanggit din ni Kris that even as a couple back then ay nagbabayad siya ng kaukulang professional fees nito.
Nitong March 18, sinagot ni Miguel ang aniya’y walang katotohanang narrative ng tinawag niyang “Mama Kris.”
Ani Miguel, hindi raw totoong hindi minahal ng kanyang ama si Kris.
“My father loved her but the spark was gone,” ani Miguel adding that love is not enough to keep a relationship.
Bilib nga raw siya sa kanyang ama sa naging sakripisyo nito kay Kris.
Ultimo raw kasi clinic nito’y naapektuhan sa madalas na pagkawala nito dahil sa kanyang pagbiyahe sa US to look after Kris.
Dahil dito’y feeling ni Miguel ay napabayaan din ng ama silang mga anak nito.
Gayunpaman, inunawa nila ito para sa kapakanan ni Kris “who needed our father.”
In defense of his dad, nakiusap si Miguel na tigilan na raw ni Kris ang pagpapakalat ng mga maling kuwento tungkol sa kanyang ama.
Despite having said that, pinahahalagahan pa rin daw nila si Kris na noong mga panahong sila pa ni Dr. Padlan ay napaka-generous:
“But my father never asked or begged for anything.”
Samantala, nagpost din ng edited version si Kris para raw mapangalagaan ang mga mahal nila sa buhay ng dating nobyo.
Nilinaw din ni Kris na tinanggap niya ang kinahinatnan ng kanilang relasyon “dahil sanay na akong masaktan.”
At presstime, wala pang post si Kris bilang sagot sa pahayag ni Miguel. Ronnie Carrasco III