MANILA, Philippines – Natagpuan sa isang garahe sa General Trias, Cavite ang labi ng pinaniniwalaang mag-inang Chinese national na dinukot noong 2023.
Ayon sa ulat, ang lokasyon ng labi ay itinuro mismo ng primary suspect sa kidnapping na naaresto noong nakaraang linggo.
Sinabihan na ang Chinese Embassy kaugnay nito.
“This is a sad development because this would somehow confirm ang ating fear na maaring patay na itong mag ina pong ito [our fear that the mother and child are dead]. However, we still have to wait for the official result [of the] DNA examination,” sinabi ni Philippine National Police spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo.
Noong Oktubre 2023, dinukot ang buong pamilya mula sa isang exclusive subdivision sa Muntinlupa City.
Pinalaya ang mga Filipino na empleyado nito, at makalipas ang ilang araw ay natagpuang wala nang buhay ang ama at tatlong iba pa sa Quezon at Rizal.
“Isa po sa tinitignan ay may kinalaman sa business po and hopefully doon po sa pagkaka-aresto sa isa sa primary suspect would give us more information with doon sa possible motive behind the kidnapping,” ani Fajardo. RNT/JGC