Home OPINION LAHAT NG OUTPATIENT EMERGENCY CASES, SASAGUTIN NA NG PHILHEALTH

LAHAT NG OUTPATIENT EMERGENCY CASES, SASAGUTIN NA NG PHILHEALTH

AYON sa PSA o Philippine Statistics Authority, ang mga pa­ngunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Filipino ay kina­bi­bilangan ng:

1. Ischemic heart disease: Nangunguna pa rin bilang pangu­nahing sanhi ng pagkamatay, na may 112,789 kaso o 19% ng kabuuang bilang ng mga nasawi.

2. Neoplasms: Pumapanga­lawa, na may 60,906 na pagkamatay o 10.7% ng kabuuang bilang.

3. Cerebrovascular disea­ses: Pangatlo sa listahan, na may 57,288 na kaso.

4. Diabetes mellitus: Nasa ika-apat na pwesto, na may 36,039 na pagkamatay o 6.3% ng kabuuang bilang.

5. Pneumonia: Pang-lima, na may 34,507 na kaso o 6.1% ng kabuuang bilang.

Ang mga datos ay nagpapakita ng patuloy na paglaganap ng mga non-communicable disea­ses (NCDs) bilang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa bansa. Ayon sa ulat ng WHO o World Health Organization, isa ang Pilipinas sa apat na bansa sa Western Pacific region na nakapagtala ng pagtaas sa mga premature deaths o pagkamatay bago sumapit ang edad na 70 dulot ng NCDs.

Karamihan sa mga pasyen­te may malalang sakit o mga na­aksidente, itinatakbo sa emergency room. Dati-rati, hindi sinasagot ng ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) kung hindi lumagpas ng 24 hours.

Epektibo Pebrero 14, 2025, sasagutin ng PHILHEALTH ang lahat ng outpatient emergency cases sa mga akreditadong ospital na may antas 1 hanggang 3 sa buong bansa na naging at bahagi ng facility-based emergency (FBE) benefit.

Paalala ng PHILHEALTH sa mga ospital na hindi na nila ka­ilangan ng hiwalay na akredi­tasyon upang makapagbigay ng FBE benefits dahil kasama na ito sa akreditasyon ng ospital. Gayunpaman, ang mga ospital na may extension facilities ay kailangang magsumite sa kani­lang respective PHILHEALTH Re­gional Offices ng sertipikasyon na naglalaman ng pangalan ng kaakibat na extension facility at ang kumpletong address ni­to.

Ang outpatient emergency care benefit ay ipinakilala ng state health insurer noong Enero 2025 bilang bahagi ng bago at pinalawak na benefit packages, saklaw nito ang komprehensi­bong serbisyong pang-emer­gency na may dalawang pangunahing bahagi: ang facility-based emergency at pre-hospital emer­gency benefits.

Kasama rito ang mahaha­lagang serbisyong pang-emergency sa mga akreditadong emergency department ng ospital pati na rin ang emergency transport services para sa mga kasong hindi kailangang ma-confine sa ospital at maaaring ma-avail sa Outpatient Emergency Care Benefit (OECB) accredited facilities.