Home METRO Lalaki patay sa kaalitan sa Maynila

Lalaki patay sa kaalitan sa Maynila

143
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki nang nakipambuno at barilin ng dating kaalitan, Linggo ng gabi sa Gagalangin, Tondo, Maynila.

Base sa kuha ng CCTV, makikita ang biktima na si Elmer Resurrection y Morales, residente ng Pampanga St., Brgy. 161, Tondo na naglalakad bilang kanyang routine.

Nilapitan nito ang suspek na si Rigor Almodovar na isang government employee, 55, nakatira sa Dagupan Extension, Tondo kausap ang isa pang lalaki.

Dalawang beses na tinapik ng biktima ang balikat ng suspek na noo’y nagkaroon naman umano ng mainitang pagtatalo hanggang sa magpambuno at magsuntukan ang mga ito.

Sinubukan namang awatin ng ilang residente ang suspek at biktima hanggang sa parehong matumba ang dalawa.

Sa pagbangon ng dalawa, biglang naglabas ng baril ang suspek mula sa kanyang beywang kaya muli siyang dinamba ng biktima kung saan dito na siya napaputukan ng suspek ng ilang beses.

Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival habang naaresto naman ang salarin.

Ayon sa kaanak ng biktima, mayroon nang dating alitan ang suspek at biktima na maaaring ikinagalit ng una.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang krimen kung saan ang biktima ay nagtamo umano ng walong tama ng bala ng baril sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here