Home METRO Lalaking may nakalawit dinakma ng mga parak

Lalaking may nakalawit dinakma ng mga parak

6
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang isang lalaking may nakausling kargada sa kanyang baywang habang nakahiga sa upuan sa palengke ng lungsod ng Meycauayan nitog madaling araw ng Hunyo 29.

Sa ulat ni PLTCOL Melvin Florida Jr. hepe ng Meycauayan police station, kinilala ang suspek na si alyas “JM”, 22, residente ng Brgy. Perez.

Ayon sa ulat, bandang 12:30 ng madaling araw habang nagsasagawa ng  foot patrol o roving ang mga awtoridad sa Meycauayan Market Mainmart ay napansin nilang may nakausling baril ang suspek habang nakahiga sa uouang kahoy.

Nang hingan ng kaukulang dokumento para sa pagmamay-ari at pagdadala ng baril ay walang itong naipakita kaya agad siyang inaresto.

Sa operasyon ay nakumpiska mula sa naarestong suspek ang Jericho 941 PSL 9mm pistol na may serial number at 14 bala nito.

Dinala ang suspek at ebidensiya sa istasyon para sa dokumentasyon, disposisyon at inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspek.

Sinabi ni PCOL Jay Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, patuloy ang pina-igting na kampanya ng kapulisan laban sa ilegal na pagdadala ng baril upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigang ito. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here