Home METRO Lalaking nag-amok sa dyip, ‘sabog’ – Mayor Biazon

Lalaking nag-amok sa dyip, ‘sabog’ – Mayor Biazon

5
0

MANILA, Philippines – Naaresto na ang lalaking nahuling nananakit ng dalawang nakatatandang pasahero sa loob ng isang jeep sa Muntinlupa City, kung saan sinabi ni Mayor Ruffy Biazon na hinihinalang nasa impluwensiya ito ng sinisinghot na kemikal habang namamalimos.

Ayon kay Police Colonel Olivia Cayuhan Ancheta, mabilis na nakaresponde ang mga pulis dahil malapit lamang sa Substation 3 ang pinangyarihan kaya agad na naaresto ang suspek.

Nang hingan ng pahayag, sinabi ng suspek, “Di ko po alam e. ‘Di ko na po natatandaan…Nakasakay lang ako sa jeep eh… May naakaaway po ako.”

Ayon kay Biazon, batay sa paunang impormasyon, namamalimos at nangha-harass umano ang suspek sa mga pasaherong hindi nagbibigay ng limos bago nauwi sa pananakit. “Ang nakuha ko lang nga e sumakay nga doon sa passenger jeep [yung suspek] at ‘yung typical na nanghihingi, nangha-harass kapag ‘di mo nabigyan,” aniya. “I think it escalated doon kasi high on substance, substance abuse.”

Dagdag ng alkalde, paiigtingin ng lokal na pamahalaan ang community interventions at police visibility sa lugar. Maayos na ang kalagayan ng mga biktima, habang haharap ang suspek sa reklamong physical injury. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here