Home METRO Lalaking OFW, itinumba sa kalsada

Lalaking OFW, itinumba sa kalsada

ILOCOS SUR- Tigok ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa diversion road sa Sitio Nagtupacan, Brgy. Pudoc, San Vicente ng lalawigang ito kaninang 8:20 ng umaga.

Kinilala ng San Vicente Municipal Police Station ang biktima na si Nerio Clifford Richonda Reynante, nasa legal na edad, may asawa, OFW (Rome, Italy) residente ng Brgy. Nagtupacan, San Vicente, Ilocos Sur.

Nabatid na nagpunta ng kanyang farm ang biktima para pakainin ang kanyang mga alagang manok.

Nang pauwi na ang biktimang nakasakay ng Mio Sporty motorcycle ay pinagbabaril siya ng suspek na nakasakay ng kulay itim na Aerox.

Dead on the spot ang biktima dahil sa mga tinamo nitong tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino ang suspek na pumaslang sa biktima. Rolando S. Gamoso