Home OPINION LARONG PULITIKA SA UY VS. ABANTE

LARONG PULITIKA SA UY VS. ABANTE

262
0

MAGANDANG subaybayan ang pulitikang nagaganap sa ika-6 distrito ng Maynila lalo na kaugnay sa labang pangkongresman sa pagitan nina congressman-elect Joey Chua Uy at Congressman Abante.

Noong una, iprinoklama si Uy ng Commission on Elections na panalo laban kay Abante sa pagkakaroon ng botong 64,746 laban sa 63,358 ni Abante.

Prinotesta ni Abante ang panalo ni Uy sa pagsasabing mula’t sapul hindi Pinoy ang huli at pinagbigyan ito ng Comelec Second Division sa kabila ng pagdidiin ni Uy na Pilipina ang kanyang ina kaya Pilipino siya.

Pero hindi pa pinal ang desisyon at inaasahan pang uusad ang kaso sa motion for reconsideration hanggang sa Comelec en banc.

Pero kung walang mangyari sa Comelec ukol sa pinal na desisyon lalo’t sa Hunyo 30, 2025 ay tapos na ang ika-19 Kongreso at pagsisimula naman ika-20 Kongreso, maaaring papasok ang kaso sa House of Representatives Electoral Tribunal o HRET na siyang pinal na magdedesisyon kung sino talaga ang dapat na maging kinatawan ng 6th District, Manila.

Bukod sa hindi pa pinal ang desisyon ng Comelec, lumabas naman ang desisyon ng Supreme Court na hindi pupwedeng ideklarang panalo ang nakasungkit ng pangalawang pwesto, at sa kaso nina Uy at Abante, pangalawa si Abante.

Sa desisyon ng Supreme Court, pareho ang nanguna at pumangalawa na kandidato na walang kwestiyon sa diskwalipikasyon at hindi katulad sa kaso ni Uy na diniskwalipika dahil hindi umano ito Pilipino.

Kapag umabot sa HRET ang kaso, walang nakaaalam kung ano ang magiging desisyon nito.

Pero posibleng aabot ang kaso sa Supreme Court na siyang pinal magdedesisyon dito.

Pero kailan makagawa ang Supreme Court ng desisyon kung magtatagal din ang kaso muna sa Comelec, lalo na sa HRET?

Baka tapos na ang halalan, eh, walang makauupo na kongresman at tanging caretaker lang ang mangangasiwa sa serbisyong bayan sa distrito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here