Home NATIONWIDE Learning Recovery Program ng Pinas dapat rebisahin – DepEd

Learning Recovery Program ng Pinas dapat rebisahin – DepEd

MANILA, Philippines- “There is a need to review the country’s learning recovery program.”

Ito ang sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Martes.

“I think, we need to review [it],” ani Angara.

Sinabi pa niya na ang interbensyon ay dapat na pangunahing nakatuon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at dapat na makialam na ang pamahalaan sa science-based data gathering.

Wika pa ni Angara, “the capacities of the learners should be assessed before and after holding learning recovery camps, as part of the National Learning Recovery Program (NLRP).”

Ang pahayag ni Angara ay pagsasatinig naman sa obserbasyon ni Executive Director Karol Mark Yee ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) na ang NLRP ay dapat na nirerebisa.

Sinabi ni Yee na hiniling na nila ang balasahan sa pamamagitan ng isang learner-centered approach.

“Iyong request namin sa DepEd is sana iyong plano natin detalyado depende sa pangangailangan ng iba’t ibang bata kasi hindi naman lahat ng bata ay ganoon iyong kailangan,” ang sinabi ni Yee.

“Iyong iba kailangan mas focused, mas maraming oras. Iyong iba refreshments lang. So sana mayroon tayong delineation in terms of the interventions,” dagdag niya.

Samantala, inihayag naman ni Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, ang kanyang intensyon na itulak ang malawakang reporma sa NLRP.

Winika ni Gatchalian, ang inisyatiba ay “not getting the right results.” Kris Jose