MANILA, Philippines – Inaasahang magpupulong ngayong araw, Hulyo 5, ang Legislative Executive Development Advisory Council (Ledac) kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para pag-usapan ang mga nagdaang priority bills at mga bagong tutukuying batas para sa ikalawang regular na sesyon ng 19th Congress.
Ito ang sinabi ni House of Representatives Secretary General Reginald Velasco sa ambush interview nitong Martes, Hulyo 4, nang tanungin patungkol sa naunang pagpupulong kasama naman ang mga senador at House members.
Ani Velasco, ang pagpupulong sa pagitan nina
Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Senate President Juan Miguel Zubiri, at iba pang mambabatas ay upang pag-usapan ang mga panukalang ipakikilala nila sa Ledac meeting.
“Well, actually it was just a coordination meeting like this one, coordination meeting between the Senate President and the Speaker para during the Ledac meron nang consensus,” ayon kay Velasco.
“Dalawa kasi yung pinag usapan e, yung priority measures na pinag agreehan ng both houses during the last Sona and ngayon,” dagdag pa niya.
Samantala, gaganapin ang Ledac meeting kasama si Marcos sa Malacañang bandang alas-2 ng hapon ngayong araw.
“And then itong incoming meeting tomorrow there will be new legislative measures coming from all the groups, House, Senate and then the Office of the President. So that will be announced after Ledac kung ano yung additional legislative measures,” pagbabahagi ni Velasco. RNT/JGC