MANILA, Philippines – IDINEKLARANG patay na ng idating sa pinakamalapit na pagamutan ang isang lending collector matapos na magulungan ng isang aluminum wing van nitong Martes, Agosto 26, sa Quirino Highway, Barangay San Luis II, Guinayangngan, Quezon.
Kinilala ang biktima na dead on arrival sa Maria Eleazar General Hospital sa Tagkawayan, Quezon sanhi ng tinamong serious chest injury na si Rex Taria Altesa, 20, binata, lending collector, tubong Masbate, at naninirahan sa Barangay Bagong Silang, Guinayangan, Quezon.
Samantalang naaresto ang driver ng wing van na nakilala sa alyas na Domingo, 42, may-asawa, residente ng Julian Felipe St. Caloocan City.
Batay sa pagsisiyasat ng pulisya dakong alas-11:55 habang ang biktima na lulan ng motorsiklong Kawasaki na may plakang D349SI na minamaneho ng nasawi na patungong Bicol, ay nag-slide ang minamaneho nitong motorsiklo.
Napag-alaman na napapunta umano sa kabilang linya ang biktima na humantong sa aksidente nang magulungan ng isang truck na may plakang NBN-1220 na patungong Manila.
Nabatid sa ulat na kaagad na naaresto ang driver ng truck kung saan nagkaroon na umano ng pag- uusap ang magkabilang panig hinggil sa naganap na insidente. Ellen Apostol