MANILA, Philippines – Hinamon ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla si Batangas Rep. Leandro Leviste na personal na dumaan sa tanggapan ng Ombudsman matapos igiit ni Leviste na tila walang interes ang investigation team sa “Cabral files” na kanyang iprinisinta.
“Binibigyan niya ng duda ang aming pagkatao dito… Pumunta siya dito… maraming haharap sa kanya dito,” ani Remulla.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, hiningi ng tanggapan ang buong files kay Leviste bago mamatay si dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, ngunit hindi niya ito naibigay nang buo. Tinanggihan ni Leviste na sapilitang kinuha ang files at iminungkahi na ikumpara ng Ombudsman ang kopya niya sa iba pang sources.
Sa pagpapatunay ng files, sinabi ni Remulla na tanging ang computer na hawak ng Ombudsman ang makakapagpatunay ng dokumento.
Plano niyang makipagpulong sa susunod na linggo kina Public Works Secretary Vince Dizon at COA Commissioner Gamaliel Cordoba upang talakayin ang proseso sa pag-access ng computer ni Cabral. RNT