Home NATIONWIDE Libo-libo nag-rally sa Korea sa pagpapatalsik kay Yoon

Libo-libo nag-rally sa Korea sa pagpapatalsik kay Yoon

Protesters take part in a rally calling for the impeachment of South Korean President Yoon Suk Yeol, who declared martial law, which was reversed hours later, near the National Assembly in Seoul, South Korea, December 7, 2024. REUTERS/Kim Soo-hyeon TPX IMAGES OF THE DAY

SOUTH KOREA – Nag-rally ang libo-libong mga South Koreans sa harap ng National Assembly sa Seoul nitong Sabado, Disyembre 7 para ipanawagan ang pagpapatalsik kay Pangulong Yoon Suk Yeol.

Ito ay kasabay ng pagtitipon ng mga mambabatas sa isang plenary session para pagbotohan ang mosyon ng impeachment kay Yoon dahil sa gulong idinulot ng pagdedeklara nito ng martial law.

Sa kabila ng malamig na panahon ay nagtipon-tipon ang mga civic groups, labor unions, kabilang ang Korean Confederation of Trade Unions (KCTU), mga estudyante at indibidwal sa mga kalsada malapit sa National Assembly taglay ang mga placard na nananawagan ng impeachment ni Yoon.

Tinatayang nasa 149,000 katao ang nagtungo sa naturang lugar alas-5:30 ng hapon.

Dahil dito ay pansamantalang isinara ang kalsada patungo sa Seogang Bridge patawid ng Han River.

Kinondena ng Federation of Korean Trade Unions, ang Pangulo at sinabing ang paghingi ng tawad nito sa publiko ay para lamang mapigilan ang pagpasa ng impeachment motion.

Samantala, idineklara rin ng Korean Bar Association ang suporta nito sa impeachment ni Yoon.

“We agree with the impeachment of the president for disrupting the constitutional order through an unconstitutional declaration of martial law.” RNT/JGC