Home METRO #LibrengSakay sa MRT-3, LRT-2 para sa gov’t workers sa Sept. 16

#LibrengSakay sa MRT-3, LRT-2 para sa gov’t workers sa Sept. 16

1
0

MANILA, Philippines — Libreng makasasakay sa MRT-3 at LRT-2 ang mga kawani ng gobyerno ngayong Miyerkules, Setyembre 16, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary.

Ayon sa Department of Transportation-MRT-3 at Light Rail Transit Authority, buong araw maaaring samantalahin ng mga government employee ang libreng biyahe basta magpakita ng valid company o agency ID.

Samantala, magkakaroon din ng libreng sakay sa MRT-3 para sa mga National ID holder sa Huwebes, Setyembre 17, kaugnay ng Global Identity Day.

Maaari itong gamitin mula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m.

Kailangang magpakita ang pasahero ng physical National ID, digital National ID o paper-format ePhilID upang makasakay nang libre. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here