MANILA, Philippines — Umakyat na sa P299,250,664.14 ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 matapos walang makakuha ng winning combination sa draw nitong Martes, Setyembre 15, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Walang nakahula sa kombinasyong 53-49-56-01-18-50 para sa Ultra Lotto 6/58.
Wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49, na may kombinasyong 23-42-33-15-14-30 at jackpot na P25,166,446.45.
Hindi rin nakuha ang P41,871,066.69 jackpot ng Lotto 6/42 matapos walang tumama sa kombinasyong 32-02-05-13-06-27. RNT