Home NATIONWIDE Lider ng Dawlah Islamiya na sangkot sa bus bombings sa Mindanao, arestado

Lider ng Dawlah Islamiya na sangkot sa bus bombings sa Mindanao, arestado

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kumpiyansa ang mga awtoridad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na mababawasan na ang banta sa mga negosyante sa central Mindanao kasunod ng pagkaka-aresto sa isa sa mga lider ng teroristang grupo.

Ayon kay Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, BARMM police director, arestado ang hinihinalang lider na nasa likod ng serye ng pambobomba sa central Mindanao sa ikinasang dragnet nitong Huwebes, Agosto 29 sa joint operation sa Maguindanao del Sur.

Tinukoy ni Tanggawohn ang suspek bilang si “Ali” na may standing warrant of arrest para sa four counts ng attempted murder na inisyu ng korte sa Kabacan, Cotabato.

Ang suspek ay miyembro ng Dawla Islamiyah Hassan Group (DI-HG) at dating miyembro ng
Al-khobar kidnapping group.

Naaresto si Ali ng joint police operatives sa Cotabato province at Maguindanao del Sur noong Agosto 27 sa Barangay Midpandacan, Gen. Salipada K. Pendatun town, Maguindanao del Sur.

Ani Tanggawohn, sangkot ang suspek sa extortion activities laban sa mga business establishments katulad ng taniman ng saging na pinatatakbo ng multinational companies maging ang bus firms.

Pinuri naman ni Tanggawohn ang matagumpay na operasyon ng pulisya sa pagkakaaresto sa suspek. RNT/JGC