AKLAN, Philippines – Patay ang isang lifeguard sa Boracay Island habang inililigtas ang isang Russian national na nadala sa malalim na bahagi ng dagat. Namatay rin ang Russian national.
Ayon kay Yapak Barangay Captain Hector Casidsid, nangyari ang insidente bandang alas-11 ng umaga nang humingi ng tulong ang banyaga.
Agad lumusong sa tubig ang lifeguard na kinilalang si Rex Pablo Aguirre ngunit nalunod din ito.
Natagpuan ang kanyang katawan mga alas-10 ng gabi, halos 11 oras matapos ang insidente.
Wala pang opisyal na pahayag mula sa Philippine Coast Guard at Philippine National Police. RNT/MND