Home HOME BANNER STORY Lifestyle check sa ilang politiko, sinisilip na ng BIR

Lifestyle check sa ilang politiko, sinisilip na ng BIR

260
0

MANILA, Philippines – Sinisilip na rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang ilang pulitiko sa posibleng hindi tamang pagbabayad ng buwis.

Ito ang kinumpirma ng ahensya nang maghain ng tax evasion case sa Departmet of Justice laban sa tatlong sangkot sa maanomalyang flood control projects na sina Henry Alacnatra, Bryce Hernandez at Jaypee Mendoza.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., nagsasagawa na sila ng lifestyle check sa mga politiko kabilang ang senador batay sa isinapubliko nilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN, matapos i-lift ng Ombudsman ang restriction sa public access nito.

Partikular na sisilipin ng BIR kung tugma ang kinikita ng mga politiko sa kanilang mga ari-arian at gastusin, at kung nagbayad sila ng tamang buwis.

Giit ng ahensya, bahagi ito ng mas malawak na hakbang lalo’t may mga senador na isinasangkot sa maanomalyang flood control project gayundin ang mga idinawit ng pagdinig sa kongreso.

Nilinaw naman ng BIR na limitado lamang ang kanilang imbestigasyon sa posibleng kaso ng tax evasion, at hindi saklaw ang mga alegasyon ng graft and corruption. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here