Home TOP STORIES Limited edition!: US passport na may mukha ni Trump, ibinida sa ika-250...

Limited edition!: US passport na may mukha ni Trump, ibinida sa ika-250 anibersaryo ng Amerika

1
0

WASHINGTON, USA – Inilabas ni US President Donald Trump ang disenyo ng limitadong edisyon ng US passport bilang paggunita sa ika-250 anibersaryo ng kasarinlan ng Amerika.

Sa kanyang Truth Social post, ipinakita ni Trump ang passport na may kanyang larawan, lagda, at bahagi ng Declaration of Independence, kasama ang mensaheng: “Welcome, but be good!” Sa kabilang pahina naman ay makikita ang larawan ng paglagda sa Declaration of Independence noong 1776 at ang nakasulat na “United States of America 250.”

Ayon sa US State Department, 25,000 hanggang 30,000 commemorative passports ang ilalabas simula bago ang Hulyo 4, at makukuha lamang sa Washington passport office habang may suplay.

Nauna nang sinabi ng State Department na ang passport ay magkakaroon ng espesyal na artwork at dagdag na disenyo, ngunit mananatili ang kasalukuyang security features.

Kapag nailabas ito, si Trump ang magiging unang nakaupong pangulo ng Estados Unidos na mailalagay ang larawan sa opisyal na passport ng bansa. Sa kasalukuyang passport, ang mga pangulong tampok lamang ay sina George Washington, Thomas Jefferson, Theodore Roosevelt, at Abraham Lincoln sa disenyo ng Mt. Rushmore. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here