Home NATIONWIDE Lipat-Trimester system, panukala pa lang – DepEd

Lipat-Trimester system, panukala pa lang – DepEd

221
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na nananatiling panukala pa lamang ang planong paglipat sa trimester system at wala pang pinal na desisyon hinggil dito.

Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ng DepEd na patuloy pa ang konsultasyon sa mga mambabatas, guro, at iba pang stakeholder kaugnay ng panukala.

“The trimester system remains a proposal, and no final decision has been made. DepEd is actively conducting consultations and will continue engaging education officials and stakeholders in the coming days to ensure that all voices are heard and considered,” ayon sa DepEd.

Ayon sa ahensya, layunin ng panukala na suportahan ang mas malawak na reporma sa edukasyon sa pamamagitan ng mas maayos na paggamit ng academic time, pagpapasimple ng planning, at pagbabawas ng workload ng mga guro.

“The intent of the proposal is to support broader reforms that simplify planning, improve the use of academic time, and reduce workload pressures on teachers,” dagdag nito.

Tiniyak din ng DepEd na patuloy nitong rerepasuhin ang panukala batay sa feedback at bibigyang-priyoridad ang pagpapabuti ng kalagayan ng mga mag-aaral at guro.

Nauna nang nagpahayag ng pangamba ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines na maaaring lumala ang learning gaps at hindi matugunan ang mga structural issues tulad ng kakulangan sa classrooms, mababang sahod ng guro, mabigat na administrative workload, at gutom ng mga mag-aaral.

Samantala, sinabi ni Senator Bam Aquino, chair ng Senate Committee on Basic Education, na plano niyang magsagawa ng Senate inquiry kaugnay ng panukalang trimester system na unang iminungkahi ng DepEd na ipatupad simula School Year 2026–2027. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here